Ma.Lou Danielle P. Vallano
Grade 7-Adelfa
Ikatlong Markahan
Lingguhang Awtput Blg. 4
Layunin: Naisusulat ang buod ng piling tagpo gamit ang kompyuter
Paglalayag sa Puso ng Isang Bata
Genoveva Edroza Matute
Isang araw ay ginunita ng guro ang pinagsamahan nya at ng kanyang mabuting estudyante. Inilarawan niya ang kanyang estudyante bilang pinaka-maliit at pinaka- pangit sa buong klase na mayroong kakatuwang punto na nagpakilalang siya ay taga-ibang lugar. Ngunit sa kabila nito, siya ay laging nagpapaiwan tuwing hapon sapagkat tumutulong siya sa mga taga-linis, tinutuwid niya ang mga upuan at bago umalis ay lumilingon muna siya upang magpaalam na sa kanyang guro. At di nagtagal, nalaman ng guro na siya ay munting ulilang galing sa lalawigan na lumuwas sa malaking lungsod upang mamasukan kung kaya't napagtanto ng guro na maliban sa itsura, ang mga iyon ay dahilan rin ng kanyang madalas na pagiisa. Simula nang kanyang malaman ang tungkol dito, tinatawag na niya ito ng madalas sa klase at pinapagawa ng mga mumunting mga bagay para sa kanya. Doon ay nakabuo sila ng tahimik na pagkakaibigan, ngunit isang araw ay napagbalingan ang estudyante ng init ng ulo ng kanyang guro at dama niya ang labis na pagka-lungkot ng bata. Subalit kahit ganoon ang nangyari, hindi pa rin nakalimot ang estudyante sa mga ginagawa niya para sa guro araw-araw. At dahil sa ginawa ng bata, nasabi ng guro sa kanyang sarili na ang kanyang mabuting estudyante ay ang kanyang nagiging guro.